Sunday, September 27, 2015

Ako, Ikaw At Atin

Written by Rill Heart

I.
Pilipino'y may dangal
Di minsa'y naging hangal
Mga bayani ay banal

II.
Karunungan kong taglay
Ito ay aking alay
Diyos ang aking gabay

III.
Isa la'ng minimithi
Sa bansang minsa'y sawi
Di ito ikukubli

IV.
Sama-sama sa tuwa
Nagbibigkis sa luha
Sabay-sabay sa laya

V,
Hinarap ang banyaga
Lumaban, at bumuga
Nakamit ang ligaya

VI.
Madilim humahataw
Di pa tirik ang araw
Kuyakoy na kalabaw

VII.
Burahin ang mga agiw
sa 'ting bansang magiliw
ituloy ating aliw.


1 comment: